The inauguration of Vigan's "embassy" in Taguig is another innovative approach in promoting Vigan as a major tourist destination. Vigan's presence in the Metropolis is gradually being felt with the establishment of a satellite office in the City of Taguig, an upcoming business hub in Metro Manila.
5 comments:
hi vice!
im originally from vigan, and currently residing in taguig (near the cityhall), can i ask exactly where is "Vigan in Taguig"? might check that out sometime.
regards!
VIVA VIGAN!
Dear Czar,
Brgy. Bagong bayan
can i ask sir where is the exact address of villa fernandina de vigan in taguig? cause where planning to stay there sir?
MALI BA???
Noong una’y ni hindi tayo magkapansinan
Wala ngang usapan na sa atin ay namamagitan,
Para tayong estranghero kung nagkakasalubungan
Lumalapit ka lang naman kung ika’y may kailangan.
Hindi nagtagal, lahat sa pagitan nati’y nagbago
Mula turingan, ugnayan at maging pakikitungo,
Nagkukuwento ka pa nga ng nagging karanasan mo
Tungkol sa mga babaeng minahal mo at nilaro.
Kapag ikaw ay nakikita, ako’y natataranta
Nilulukob ng lungkot kapag hindi ka nakikita,
Laging hinahanap-hanap ka tuwina ng mga mata
At sa tuwina’y laman ka ng aking diwa’t ala-ala.
Minamahal kita, iyon ang alam kong sigurado
Ikaw at tanging ikaw lang ang bulong ng aking puso,
May kasintahan nga ako’y ikaw naman ang mahal ko
Huwag ka sanang magbabago sa oras na malaman mo.
Tanong ko lang, mali bang magsaya ‘pag kasama kita?
Mali bang isipin ka kahit may kasama kang iba?
Mali ba ang umasa na ako sayo’u may halaga?
O mas mali ba ang pag-amin ko sayong mahal kita?
Iisa lang naman ang aking gusto’t pinakahangad
At paulit-ulit ko itong ibubulong sa ulap,
Dahil ang maging akin ka’y ang tangi kong pinangarap
At palagi kong ipinagdarasal sa alapaap.
HULI NA . . .
Magmula pa ng tayo’y magkakilala
Ako sayo ay lubusan ng humanga,
Ipinagdarasal lagi sa tuwina
Sana tayong dalawa’y muling magkita.
Malinaw pa nga sa aking ala-ala
Ang mga panahon na tayo’y magkasama,
Punong-puno ng kuwentuhang kaysaya
At mga kakulitang nagbibigay sigla.
Inakala ko na ikaw ay biyaya
Nagkamali pala ako ng akala,
Sapagkat dahil sa’yo ako’y nagdusa
Sa malupit at mapaglarong tadhana.
Nabigyang buhay ang aking nadarama
Pagkat nalaman kong mahal pala kita
Oo nga’t nalaman ko, pero huli na
Dahil ika’y pag-aari na ng iba.
MALUPIT KA TADHANA
Tanong ko lang, bakit sadyang kaylupit sa akin ng tadhana?
Para akong inalisan ng karapatan para sumaya,
Bakit pa ba niya hinayaang tayo ay magkakilala
Kung hindi rin lang naman tayo para sa isa’t-isa.
Lubos akong nanlulumo at ang isipan ko’y gulong-gulo
Ni hindi ako makapag-isip ng diretso at matino,
Sobrang sakit para sa’king tanggapin ang natuklasan ko
Halos madurog at tumigil sa pagtibok ang aking puso.
Alam ng Diyos kung anong hirap ang aking pinagdaanan
Upang ang matinding nadarama ko sa’yoy makalimutan,
Ginawa ko na yata halos lahat ng alam kong paraan
Ngunit mahirap palang pigilan, bugso ng nararamdaman.
Masakit para sa akin na ikaw ay aking lilimutin
Syempre mahirap pero alam kong ito ang dapat gawin,
Gaano man ‘to kahirap at kasakit, handa kong tiisin
Darating din ang panahon na ikaw ay malilimot ko rin.
Proyekto
sa
Panitikan ng Pilipinas
(Philippine Literature)
Ipinasa ni:
Maricris R. Amongol
BSCrim II-C
Ipinasa kay:
Gng. Emely Tadios
MAIKLING KWENTO
MGA TULA
Post a Comment